Umattend kami ng aking mga barkada sa isang kasalan. Sa tuwing my ikinakasal ay parati kong naiisip na parang fairy tale lang ang lahat at mas masaya pa yata ako sa mga ikinakasal kasi they found their one true love! Parang sa mga movie at teleserye ko lang kasi ito napapanood at talaga namang hindi ko dapat palampasin ang paglakad ng bride! Pero dahil sa late kami hindi ko tuloy nakita huhu! Anyways syempre andyan din ang mga wedding vows nila na talaga namang mapapakilig ka dahil sa mga sweet and romantic words na kanilang binibitawan sa isa't isa. Lalo na pag tinanong ng pari na ng pari na "will you marry him/her?" na ikaw mismo ang mapapasagot ng "Yes!". At hindi na mapigilan ng mga bisita na magpahid ng kanilang mga luha dahil sila ay lubos na natutuwa sa kanilang napapanood ngayon dahil masaya sila para sa ikinakasal. Umagaw eksena naman ang pari at pinagalitan pa ang isang abay dahil sa tinanggal nya ang belo ng bride kasi hindi pala nya pinapatanggal kundi pinapaayos lang ng bride. Pwede namang sabihan ng pari sa ibang paraan yoong hindi namamahiya kasi baka first time lang nung abay at kinakabahan kaya nya tinanggal agad agad. Pari pa naman sya tsk tsk tsk. Anyways pagkatapos ng misa ay syempre kaunting picture picture dahil meron pang kasunod na misa para sa 4 PM mass. Kaya kung kukuha kayo ng simbahan ay siguraduhin nyong walang kasunod na misa para hindi masayang ang bayad sa photographer! Yoon pa naman ang inaabangan ko ang picture picture kaso hindi na tuloy natuloy at kami ay lumisan na patungo sa reception. Buti na lang at meron kaming nasabayan na sasakyan. 4laugh
Napakaganda ng reception sa Cerca del Rio Pavilion. Parang bago pa lamang ito dahil meron pang mga inaayos dito. Maganda ang setting ng stage at may view na makikita ang puno puno. Mahangin at maaliwalas ang dating ng lugar. Mga ilang minuto ay nagsimula na ang program. May mga games at mga bigayan ng message at syempre ang pinaka iintay ng lahat ang kainan! Ang sarap talaga kumain! emotion_yatta
Hindi lahat ng kasalan ay nauuwi sa masayang pagsasamahan. Meron ding naghihiwalay pero kung mapapanatili nila ang pagmamahal sa isa't isat, kahit anung pagsubok ang dumating sa kanila ay hindi ito magiging hadlang upang mapanatili nila ang kanilang binitawang pangako sa isa't isa na magsasama sa hirap at ginhawa. emotion_kirakira
Nauna na kami umuwi dahil malayo pa ang uuwian ng aking kasama. Doon na lamang ako nagpahatid sa may ISB2 dahil doon ang daanan nila. Pumunta ako doon sa my guardhouse para mag-abang ng tricycle! Napaisip tuloy ako na sana sa may SM na lang ako bumaba or sa crossing kasi sobrang dilim dito!! Nakakatakot ang dami pa namang kwento dito na kung ano ano! Buti na lang at nakasakay na ako sa pangalawang trycicle na dumaan. Doon ako nagpadaan sa my bahay nina GM dahil mas maganda ang daan doon kesa sa kabila na lubak lubak at malayo. Laking gulat ko na lamang na sya ay nandun sa my gate nila!! Kausap ang kanyang daddy! Na parehas naka topless! OMGee!! Hahaha!! Nakakalerki! Akala ko talaga hindi ko na makikita pero sinwerte pa din ako! emotion_dowant
Muntikan pang mag-away itong bagong sakay na pamilya kasi yung lalake ay gusto na P8 lang ang bayad eh singil ng tric driver ay P10. Pumayag din naman kahit nakipagtalo pa sya kesho tric driver din sya churvah. Inaaway tuloy sya ng asawa nya at sinabihang parang walang pinagaralan hahaha! Wala akong paki alam sa kanila at bumaba na ako sa may amin! cat_talk2hand
Nakakatuwa talaga ang manood ng isang wedding lalo na kapag kakilala mo yung kinakasal. Syempre there's always "inggit" na sasagi na lang bigla sa isip ko na sana ako din, darating ang araw na magkaroon ng "and they live happily ever after!" With GM?! OMGee! kung sino man sya ay napaka swerte nya ! Yayks hahaha!~ emotion_bigheartemotion_bigheartemotion_bigheart
(P.S. classmate namin ng college ang kinasal! I'm so happy for them!~ )