Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Gold to dust~
User Image

April 4 2014


Noong wednesday ng gabi habang nanonood ng The Legal Wife sa TV ay nabasa ko ang papromo nila! Dali dali kong chineck sa facebook at yoon nga nakita ko ang kanilang promo na hanggang bukas or April 5 lang ang deadline! Ang gagawin lang ay magsend ng video kung bakit araw araw mong sinusubaybayan ang The Legal Wife at i-send ang video sa email nila. If Manalo ka ay makakasama mo ang cast ng The Legal Wife sa Subic! Kaya naman hindi ako nag aksaya ng oras at gumawa agad ako ng aking video entry para maisend sa email nila. Sobrang excited na ako kung if ever manalo ako kasi makakasama ko ang idol ko na si Angel Locsin! At makakanood pa kami ng shooting ng The Legal Wife! Sobrang dream come true talaga yun para sa akin!
Ngunit kinabukasan sa isang hindi inaasahang insidente ay nawawala yung phone ko! Pati ang iba kong gamit! Naisip ko baka naman niloloko lang ako ng mga kapatid ko? Pag-gising ko kasi ay kuya ko na ang katabi ko at nag ccellphone sya. Kaya hindi ko masyado pinansin pero nung gabi na at wala pa din sobrang nalungkot na ako. Pinuntahan namin ang shop ng kuya ko upang siguraduhin na hindi nya talaga tinatago pero daw wala talaga sa kanya. 2 years na sa akin ang phone na y un at ang dami daming naitulong nun lalong lalo na sa pangarap ko dahil doon ko ginagawa ang mga scandals ko, este mga covers ko at ang mga pictorials ko! Sa cellphone na yun mabubuhay na ako kahit walang computer! Pero ngayon wala na sya!! All my files since 2007 sa hard disk ko ay nawala na din dahil nanakaw din. Pati bag ko na my lamang mga ID, relo na regalo pa sa akin ng pinsan ko at ang aking mga eyeliners ay natangay din! Bukas kasi ang kwarto ko kapag natutulog ako kaya ang mga gamit ko lang ang kinuha. Pero nandun din ang SLR camera at ang computer at buti hindi natangay! Hindi pa naman sa akin yun kundi mahihimatay na ako sa pangyayari! Kung sinu man ang kumuha nun, Lord kayo na po ang bahala sa kanya! emotion_donotwant

Pagdating namin sa bahay noong gabi ay binuksan ko ang facebook ko at nakita ko agad sa page ni Angel Locsin yung mga list ng winners. Dali dali kong tiningan kung nakasama ang name ko. Sana kasama! At ayun kasama nga! Pang # 16 ako!! Sobrang tuwa ko kasi nalimutan ko na sumali nga pala ako dito dahil nagluluksa pa din ako sa pagkawala ng phone ko. At first time ko manalo!! Sa dami ng sinalihan kong online video contest simula pa ng 2007 never pa akong nanalo kahit isang beses! Kaya naman sobrang saya ko! I was screaming and shouting sa bahay kaya nalaman nila na nanalo ako. Wala akong pinagsasabihan kahit kay nino kapag sumasali ako sa mga ganitong contest or auditions kasi nga hindi naman ako napipili ehh nadala na ako na palagi na lang silang na-ddisappoint at nalulungkot na hindi ako natatanggap or nanalo kaya hindi ko na lang pinagkakalat sa aking mga pamilya at kaibigan. Diba pag hindi ako natanggap at least ako lang yung malungkot. Pero ngayon for the very first time, napili ako! One of the top 20 lucky winners! Wooo grabe langs! Sa dami siguro ng nagsubmit napili ako! Naghanap agad ako ng mga post sa facebook at sa pinoy exchange kung sinu din yung ibang lucky winners para my macontact ako kasi bukas na agad agad ito! Eh anung oras na 9PM na bbiyahe pa ako pa Manila!

My nag message sa akin at nagpalitan kami ng number para bukas. Yes my kasama na ako! Yun nga lang first time kong solo pupunta sa ABS mag-isa kaya sana lang hindi ako maligaw~

Naghahanap ako ng information kung sinung contact person or contact number para bukas kasi ang sabi lang ay kita kits sa ABS-CBN! HELLO?! ang laki kaya ng ABS-CBN! Kaya nag post din ako sa PeX para magtanung tanung at nakita ko yung isang post na via twitter kaya inopen ko. Ahh doon pala mas active yung legal wife sa twitter! Dali-dali tuloy akong gumawa ng twitter account kasi hindi talaga ako mahilig mag post ng mga status kaya hindi ako gumagamit ng twitter. Kaso hindi din nagrereply. Nag-antay ako ng text at reply sa email hanggang 1:00AM kagabi pero wala. Gumising ako ng 4AM para i-check kung my nag reply na pero wala pa din. Gumayak na din ako pabyaheng Manila at umalis ng 6AM. Sobrang tagal ko pumili ng aking OOTD kasi hindi ko talaga alam kung anu ang susuotin! Pero dahil sa Subic naman daw kami edi baka my swimming kaya dapat my dala akong pang summer outfit. At buti na lang kakabili ko lang ng pants last last week kaya masusuot ko na at saka yung binili kong polo shirt last last month pa masususot ko na din hahaha. Ang dala ko tuloy na cellphone ngayon ay yung kay Mommyta at simcard nya din. Buti na lang meron akong isang katext na winner din sa promo kaya panatag ako na my makakasama ako doon.

Sa biyahe ay sobrang daming tao sa bus. As in siksikan to the max na parang sardinas! Buti na lang at nakaupo na ako from the very start since sa terminal ako sumakay. Ang sabi ni ate Ivy na katext ko ay sumakay ako ng Magallanes and then sakay ako ng MRT to Quezon Ave. Kahit na alam ko meron din sa Cubao ay dun na din ako sumakay. Hindi ko alam kung tama ba tong sinakyan ko! Bahala na! Nalimutan ko pa mag paload para mareplyan ko si ate Ivy. Minemorize ko ang kanta ni Beyonce na Grown Woman para pang tanggal ng inip.

Pagdating ko ng Magallanes ay nagtanung tanung ako kung saan ang MRT station! Napunta ako sa parang mall at nagpaload muna ako sa tindahan. Naghanap pa ako ng notebook at eyeliner! Notebook kasi para magpa autograph ako sa mga makikita naming artista! Nahirapan pa ako pumili ng notebook kasi kung yung murang price ay ang pangit ng design para maging autograph signing booklet ko, Pag yung mahal naman maganda nga kaso mahal at kulang sa budget! Eyeliner naman kasi meron na talaga akong eyeliner kumpleto kaso nadekwat nga diba? Kainis talaga at wala pang black eyeliner sa mga tindahan! Puro brown! Kaya pinili ko na lang yung eye pencil! Sus hindi man lang nangitim ang mata ko!

Nakarating na siguro ako ng mga 12 PM sa ABS-CBN. Una kong napagtanungan ay doon sa kabilang entrance. Sabi sa akin ay punta daw ako sa kabilang building sa my mini stop. Akala ko eh malapit lang, malayo din pala! Sobrang init pa at sa kabila ako dumaan kaya mas lalo akong nalayuan! Tamang tama nandun na si ate Ivy kaya nagmeet up na kami ni ate. Sobrang baskil na ako kadiri! Nakakahiya naman sa iba! Meron pang mini-stop dito at aircon kaya pumasok muna ako para magpalamig. Tinext na ako ni ate Ivy na nasa loob na daw sya ng ELJ building. Nang pag-akyat ko ng hagdan ay tinanggal ko ang headset ko at nalimutan ko na nakabit nga pala sa phone kaya nalaglag tuloy yung phone ni Mommyta! Naku nag tumbling talaga sya. Buti na lang at Nokia ito at matibay talaga hahaha. Hinahanap ko na si ate Ivy at hindi kami magtagpo! Akala ko kasi ay bawal pumasok sa loob pero pede pala. Nandun daw sya sa ABS-CBN Merchandising store at nandun na din ako, yun pala magkatalikuran lang kami! Tinanung namin sa mga receptionist kung saan tagpuan para sa mga winners ng Legal Wife promo, hindi daw nila alam wala daw silang memo.

Pumunta muna kaming canteen at kumain muna ako dahil nagugutom na din ako. Rice in a box ang kinain ko kasi yun lang mura eh! Nagchikahan na din kami ni ate Ivy at sabi nya ay friend nya si Maja! As in kaibigan at mag ka facebook sila ngayon! Na excite tuloy ako na makita sya at si Angel. At ang daming kumakain, yung iba siguro dito ay staff at yung iba siguro ay mga artista! Nakita ko pa nga si Cathy ng The Biggest Loser Showbiz Royalties! Infairness pumayat na talaga sya. Maya-maya ay bumalik ulit kami sa receptionist at mga 1PM na yun. Wala daw tao sa Legal Wife office. Dahil lowbat na yung wifi ni ate Ivy ay naghanap muna kami ng pwede pag charge doon sa canteen para maka communicate pa din sya kay Maja at umupo na ulit kami doon sa table kalapit ng Varga na statue dahil doon merong available na saksakan.

Siguro ay 2PM na at dahil sa hindi ako mapakali kahihintay sa loob ng ELJ building ay pumunta muna ako sa kabilang audience entrance. Una ay sa tapat ng Wil Tower Mall audience entrance, hindi daw nila alam kaya itanung ko daw doon sa kabila kung saan ako unang nanggaling kanina. Kahit natanung ko na dun kanina eh sinubukan ko pa din. Sobrang init at kahit my dala pa akong payong ay tumatagos pa din ang kainitan kaya pawis na pawis na ako. Pag dating ko doon ay ganun pa din ang sagot nila. Wala daw talaga silang alam sa promo ng Legal Wife. Bumalik na ulit akong ELJ building. Akala ko ay tama ako ng napasukan na building pero mali pala dahil sa kabila pa pala, anu bayan naligaw pa me. Pagdating ko ay sinabi ko na agad kay ate Ivy na at ka-facebook pa din nya si Maja ay nagtataka din bakit nga daw ganun at yung ibang winners daw ay kasama na nung isang staff kaya baka daw naiwan na kami?? Paano nangyaring naiwan kami eh hindi nga namin alam saan yung meeting place dahil wala nga nagtetext sa amin? Ok lang sana kung sakin lang hindi nag text tapos nagtext naman sa kasama ko eh parehas kami hindi naka receive ng text.

Sabi ni ate Ivy ay labas na ang kanyang asawa at papunta na dito. Sabi ko kay sumama na lang din sya sa amin sa Subic pero hindi daw pwede at my work sya bukas. Sabi ko ay hindi pwedeng hindi to matuloy kasi minsan lang ako Manalo sa ganito. Sabi nya eh mag “Believe” na lang daw kami na matuloy pa nga. Believe kasi yung title ng bagong album ni Maja! Kaya bumalik ako sa receptionist at Kinulit kulit ko sya kahit na madami syang ginagawa at pinapatawag ko ulit doon sa loob ng The Legal Wife office pero wala pa din daw tao or staff sa loob. Siguro hanggang 3 PM eh wala pa ding nangyayari sa pag-aantay at pagtanung ko sa receptionist. Tanungin na lang daw yung nag post or yung contact eh eh wala ngang binigay na kahit contact number man lang. Iniwan ko muna si ate Ivy sa ELJ building at naghanap na lang ako ng computer shop para mag-internet. Kung my WiFi lang itong phone ko eh hindi ko na kelangan pa maghanap ng computer shop! Bakit ba kasi nanakaw ang mga gamit ko?? Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko kung uuwi na ba ako or hindi pa, kung uuwi na ako sayang naman ang chance na ito! Once in a lifetime lang at sobrang minsan lang talaga ako manalo sa ganito. Ngayon pa ba ako susuko??

Nanaig pa din ang pagiging optimistic ko kaya naghanap na ako ng computer shop! Grabe ha ang layo layo na ng naabot ko kakatanung kung saan merong computer shop pero ang mga natatanong ko eh ang sagot ng iba ay wala daw computer shop dito sa Eugenio Lopez! Grabe naman puro naka wifi na ba ang tao dito?? After 15 min. nang paghahanap ay nakita ko din ang computer shop!! Doon ako napunta sa my MRT station! Mahal mahal pa P30 per hour at mabagal naman ang net! Binuksan ko agad ang twitter at kita ko na nag-uupdate yung legal wife twitter account kaya nirreplyan ko. Sabi ko paano po kaming mga naiwan?? Lahat ng may makita kong legal wife eh tinanung ko na. Nagpost din ako sa PeX para magtanung at my mga sumagot naman. Pati si Mico del rosario ay natweet ko na. Lahat na! Kaso wala talaga nasagot sa kanila. Nagtext na din si ate Ivy na kasama na daw nya yung husband nya at uuwi na sila. So sad naman hindi man lang ako nakapag bbye sa kanya. Hanggang sa nag time na ako. Doon na talaga ako natauhan at nasabi ko na lang sa sarili ko na tama na. Wala na talaga to. Uwian na lang ganun ganun na lang. Hayss sayang ang effort. Sumakay na ako ng MRT papuntang taft~

Nandito na ako nakasakay sa MRT, hindi naman masyado siksikan pero nakatayo ako at nakakapit sa bakal na pole at baka biglang huminto. Nagkaka leche leche pa naman ang MRT stations ngayon baka masugatan pa ako ng wala sa oras. Kung anu-ano na ang sumasagi sa isip ko. Yung cellphone ko at iba kong gamit nawawala pa din kahapon pa. Hindi ko alam kung nanakaw o ano tapos ganito pa ang sinapit ko. Sobrang swerte ko naman yata. Sa kabaliktaran! Ayan na oh nanalo na ako ng ginto kaso ng icclaim ko na, wala na. Bakit ganun? Pagkakataon ko na sanang makasama sina Angel at baka maging extra man lang kami sa The Legal Wife! Ang matagal ko ng pinapangarap.. ganito na lang ba yun?.. tapos ano na lang sasabihin ko sa family ko, wala nanaman nangyari. Sobrang saya pa naman nina Mommyta at Daddylu na akala nila ay magaartista na ako at eto na daw ang simula. Yun pala nauwi lang sa wala. Nasayang lang yung pera ko.

May bumaba na kaya nakaupo na ako at nakahawak pa din sa bakal na pole. Kanina ko pa pinipigilan pero tuluyan na akong naiyak na para lang sa mga teleserye at movie ko napapanood. Kahit my nakatingin sa akin ay hindi ko na talaga napigilan. Ang hirap kasing pigilan yung emotions mo lalo na ito ang first time ever kong Manalo! As in kaya sobrang happy ko kaya kagabi ng malaman kong winner ako at ini-imagine ko na yung mga gagawin namin sa Subic. Kasi lagi naman akong ganun advance mag-isip. Nagppractice na din ako ng mga sasabihin ganyan kasi baka kuhain kaming extra doon! Tapos ganun pala hindi naman pala ako makakasama.. Ang tagal ko ng pinangarap ito tapos nawala pa. Sa sobrang tagal na ay akala ko ay hindi na matutupad. Nag resign na nga ako sa work ko dahil hindi naman pala masaya mag work. Akala ko oo nga kikita na ng pera ganyan, at my work na din ako at magiging busy na. Kaso ito talaga ang sinisigaw ng puso at damdamin ko. Kapag nanonood ako ng mga teleserye at pelikula ay iniimagine ko na ako yung bida. Kapag kumakanta ako at at sumasayaw at inii-magine ko na nag cconcert ako. Kapag napapanood ko ang mga commercials sa TV ay pilit kong ginagaya at iniisip na ako din, magkakaroon ng commercial balang araw. Magagawa ko din lahat ng mga napapanood ko at matutupad ko na ang mga pangarap ko. Pilit kong pinagpipilitan ang ang isang malaking bagay na mukang malabong mangyari. Kahit ang iba na akala ko ay sila ang mga taong magtitiwala sa akin pero sila pa ang nauunang mag down sa akin. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na ang lahat ng ito ay matutupad ko. At ang araw na matutupad na yun ay akala ko ay ngayon mangyayari pero hindi pala. Hindi ba talaga to para sa akin? Last week lang eh ang saya saya ko pa dahil nakasama ko ang buong family and friends ko na kahit hindi sa exact date ng birthday ko ay nakapag celebrate naman ako na kasama sila. Anu ba talagang merong klaseng kamalasan sa akin at parang ginagawa ko na ang lahat pero patuloy na nauudlot at hindi natutuloy ang pagtupad ko sa mga pangarap ko? Dapat pala hindi agad ako masyado nagsaya. Dapat pala hinintay ko muna maka tungtong sa mismong kaganapan at hinintay ko mangyari ang lahat bago ko inunahan ang isip ko na eto na nga, this is it! Parang na April Fool's Day lang ang peg. Ang saklap talaga!

Bigla ko na lang naisip na hindi ko pa alam kung tama ba yung bababaan ko kasi nung nagpunta kami ni ate Gen ay sa Magallanes ako tapos sasakay pa ulit ng LRT taft. Eh ngayon deretso ako ng Taft from Quezon Ave. Siguro iisa lang naman yun? Pagbaba ko hala nasaan na ako! OMGee bakit ang mga jeep ay papuntang divisoria at Baclaran??? Ang aking kalungkutan ay biglang nabahidan ng takot at kaba! Hala putik naliligaw na yata ako! Wala pa naman akong load para iitext ko si ate Ivy kung saan ako sasakay? Nagtanung tanung ako at pasakay na dapat akong Magallanes kaso kulang yung barya ko. Kaya bumaba muna ako para magpabarya.

Ang una kong nakita pagbaba ko ng hagdan ay ang McDo! Ang palagi kong kasama sa hirap at ginhawa! Buti na lang ang nandyan ka! Bumili na agad ako ng makakain at large na drinks dahil sobrang uhaw na me at tinake out ko na dahil gabi na at mga 6pm na yun at baka sobrang gabihin na ako sa biyahe! Bumalik na ulit akong MRT station kaso bawal pala dun ang drinks. Sabi ko lalagay ko na lng sa bag ko bawal pa din kelangan daw ubusin. Hello paano ko mauubos ang large na sprite agad agad?! Ang haba pa naman ng pila at agawan ngayon! Ang ginawa ko ay nagtago ako sa gilid at sinilid ko sa bag ko! Dun sa kabilang zipper! Ayun nakalusot naman hahaha! Naalala ko dito din ako kumuha ng ticket nung iniwan ako ni ate Gen. Eh kung sasakay ako ng Magallanes eh sa Quezon Ave din same lang sila ng station ibig sabihin dito din ako bumaba galing taft! Kaya nagtanung ako at ayun mali lang pala yung nalabasan ko na station! Nakakaloka hahaha! Natawa na lang tuloy ako sa sarili ko! Sobrang haba ng pila at akala pa noong isang ate eh nakikisiksik ako sa pila nila at sabi “My pila po oh.” Sabi ko naman eh “Eh bibili pa lang ako ng ticket!” napahiya tuloy sya hahaha.

Ayun nakasakay na din ako ng bus. Ang bago kong damit at pantalon na akala ko ay masisilayan pa ni Angel at makapag pa picture man lang sa kanya ay nabahidan na ng alikabok at pawis. Eto na ako nakaupo sa bus, pawisan at luhaan. Pero wala na akong paki alam dahil nagugutom na ako kaya dali dali ko ng binuksan ang aking bag at kinuha ang nakatagong burger McDo at fries na gusto ko man alukin ang ate na katabi ko ay sa sobrang gutom ko na ay naubos ko na ito ng saglitan lang. Sorry teh!

Nakauwi naman na ako ng ligtas at nameet ko si ate Ivy na kahit first time naming mag meet at wala kaming kahit anong alam sa isa’t isa at kahit naiingayan na sya sa akin at nakukulitan ay tinulungan pa din nya ako makapunta sa ABS-CBN at makabalik ditto sa amin at hindi nya ako pinabayaan. Yun nga lang ang madaming nasayang, ang pangarap kong makasama si Angel Locsin at si Maja na napakabait kasi talagang tinutulungan nya kami mabigyan ng information kung paano na kami at ginagawan nya talaga ng paraan kaso nag shoot na yata sila kaya hindi na nakareply. Bonus na sana si Jericho at sabi ng mga nag post ay nakasama sila sa shooting ng summer station ID ng ABS-CBN at ang chance ko na yun na kahit kauntian lamang na makita ako sa TV ay wala na!!!! WALA NAAAAAAAAAAAAAA!! huhuhuhu~ Pero sabi doon sa twitter ng Legal Wife ay ippriority na lang daw kami next time! OMGee meron pang next time! Yun naman pala eh!! Sana matuloy yan ha! Sisiguraduhin ko na kukuhain ko lahat ng contact number ng mga Angels para hinding hindi na kami maiiwan!

Madami naman akong natutunan ngayon, unang una ang mag lock ng mga pintuan sa tuwing matutulog na! Para hindi na nanakawan ha! Siguraduhin muna kung saan ang kitaan at kung sinu ang mga contact para hindi masayang ang lakad! Huwag muna masyado maging excited sa isang bagay na hindi pa nangyayari! Para hindi masyado madisappoint! At ang pinakahuli, magtiwala lang talaga sa sarili. Madaming madaming pagsubok na ang dumating sa akin at nalampasan ko naman lahat yoon kaya siguradong sigurado ako na meron pang mas malala na maaring mangyari at madisappoint nanaman ako pero alam kong malalampasan ko din lahat ng mga yun. Mag-pray lang talaga at lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit ito nangyayari. Baka nga hindi pa ito ang tamang panahon at darating na lang ang araw na magugulat na lang ako na ito na! Ginagawa ko na! Ito na talaga!
At baka nakakalimutan nyo na mag start na ako mag workshop sa April 21! Kaya go lang ng go! Baka sa time na yun hindi lang ako sa SSID mapasama, baka sa mga movies pa! Think positive! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum