Kabataan at edukasyon [baguhin]
Isinilang si Fernando Amorsolo noong Mayo 30, 1892 sa Paco, Maynila kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto.[3][4] Lumaki si Amorsolo sa Daet, Camarines Norte, kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruang bumasa at sumulat ng wikang Kastila sa bahay.[6] Pagkaraang mamamatay ng kaniyang ama, lumipat si Amorsolo at ang kaniyang pamilya sa Maynila upang manirahan kasama ni Don Fabian de la Rosa, ang pinsan ng kaniyang ina at isang pintor sa Pilipinas.[4] Sa gulang na 13, naging katulong si Amorsolo ni De la Rosa. Sa kalaunan, si De la Rosa ang magiging tagapagudyok at gabay ni Amorsolo sa karera at sining ng pagpipinta.[4] Nang mga panahong iyon, nanahi ang ina ni Amorsolo para kumita ng salapi, habang tumutulong naman si Amorsolo sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kinulayang tarhetang pangkoreo na nagkakahalaga ng sampung sentimo bawat isa.[4] Isa ring pintor si Pablo, ang kapatid ni Amorsolo.[4]
Dumating ang unang tagumpay ni Amorsolo bilang pintor noong 1908, nang ang kaniyang larawang Levendo Periodico ay tumanggap ng ikalawang premyo sa Bazar Escolta, isang patimpalak na isinagawa Asociación Internacional de Artistas (Samahang Pandaigdigan ng mga Artista).[6] Sa pagitan ng 1909 at 1914, nag-aral si Amorsolo sa Paaralan ng Sining ng Liseo ng Maynila, kung saan tumanggap siya ng maraming mga parangal para sa kaniyang mga larawang iginuhit.[4]
Pagkaraang magtapos mula sa Liseo, nag-aral si Amorsolo sa Paaralang ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas, kung saan nagtatrabaho si Dela Rosa.[4] Habang nag-aaral sa kolehiyo, ang mga pangunahing impluwensiya kay Fernando Amorsolo ay ang mga pintor na sina Diego Velazquez, John Singer Sargent, Anders Zorn, Joaquín Sorolla y Bastida, Claude Monet, Pierre-Auguste Renoir, at Ignacio Zuloaga.[8] Habang nag-aaral sa Liceo, itinuturing na ang isa sa pinakanatatanging gawa ni Amorsolo ay ang larawan ng isang binata at ng isang dalaga na nasa isang hardin, na ikinapanalo niya ng isang gantimpala nang magkaroon ng isang ekshibisyon ng sining sa paaralan bago siya magtapos at magkamit ng diploma.[6] Upang kumita ng salapi, sumali si Amorsolo sa mga paligsahan at gumawa rin siya ng mga guhit para sa mga palimbagan sa Pilipinas,[9] kabilang ang isang larawan para sa pabalat ng pinakunang nobelang isinulat ni Severino Reyes sa wikang Tagalog, ang Parusa ng Diyos. Gumuhit din siya ng larawan para sa Madaling Araw ni Iñigo Ed. Regalado,[10] at para sa mga aklat ng Pasyon.[10] Nagtapos si Amorsolo mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1914, na nakatanggap ng maraming mga medalya.[4]
Karera [baguhin]
Larawang iginuhit ni Amorsolo, na ginamit para sa isang poster o patalastas na humihikayat sa mga mamamayan para bumili ng mga liberty bond o bono ng kalayaan (katibayan ng kasunduan sa pag-iipon ng pananalaping may tubo o interes), 1917.
Pagkaraang makatapos ng pag-aaral mula sa Pamantasan ng Pilipinas, naglingkod si Amorsolo bilang isang dibuhista para sa Kawanihan ng mga Pagawaing Bayan, bilang punong artista ng sining sa Pacific Commercial Company, at bilang isang guro sa Pamantasan ng Pilipinas (kung saan nagtrabaho siya ng may 38 mga taon).[4] Pagkatapos magtrabaho bilang guro at artistang pangkumersiyal, nabigyan si Amorsolo ng kaloob upang makapag-aral sa Academia de San Fernando sa Madrid, Espanya, sa kagandahang-loob ng Pilipinong mangangalakal na si Enrique Zobel de Ayala.[4] Sa loob ng pitong buwan sa Espanya, gumuhit siya ng mga larawan habang nasa mga museo at mga kalye ng Madrid, para magsanay sa paggamit ng mga katangian ng liwanag at kulay.[3] Sa pamamagitan ng kaloob ni De Ayala, nakarating rin si Amorsolo Lungsod ng New York, kung saan nagkaroon siya ng kaalaman sa impresyonismo at kubismo, na magiging mga pangunahing impluho sa kaniyang mga gawa.
Sa kaniyang pagbalik sa Maynila, nagbukas ng sariling estudyo at puminta nang puminta sa kapanahunan ng mga dekada ng 1920 at 1930.[3] Ang Pagtatanim ng Palay (1922) ang unang mahalagang akdang-pinta niya, na lumitaw sa mga kartelon at mga babasahing pangturista, kaya't naging isa sa mga pinakakilalang larawan ng kapanahunan ng Pagsasamang-Yaman ng Pilipinas.[8] Sa simula ng dekada ng 1930, malawakang naitanghal ang mga gawa ni Amorsolo kapwa sa loob ng Pilipinas at sa ibang mga bansa.[8] Ang mga larawan niyang nagbibigay ng diwa ng pag-asa at makakabukiran ang nagsimula sa takbo at gawi ng mga pintahin sa Pilipinas bago dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[11] Maliban sa mga larawang may mga madirilim na pangitain, na ipininta niya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, puminta si Amorsolo ng mga tahimik at payapang mga tagpuan sa kabuuan ng kaniyang larangang napili.[5]
Pinuntuhan si Amorsolo ng mga maimpluhong mga Pilipino na kabilang sina Luis Araneta, Antonia Araneta at Jorge B. Vargas.[12] Naging paboritong artistang pansining din si Amorsolo ng mga opisyal ng Estados Unidos at ng mga turista sa Pilipinas. Dahil sa kaniyang kabantugan, nangailan si Amorsolo na kuhanan ng mga litrato ang kaniyang mga gawa para idikit sa mga pahina ng isang talalarawanan. Sa pamamagitan ng album ng mga retrato, maaaring pumili ang bibili mula sa piliian ng kaniyang mga gawa. Hindi lumikha si Amorsolo ng mga ganap na magkakawangis na larawan; muli niyang nilikha ang mga larawan na binabago ang ibang mga bahagi ng mga ito.
Nang lumaon, lumitaw ang mga gawa ni Amorsolo sa mga pabalat at pahina ng mga araling-aklat na pambata, sa mga nobela, sa mga disenyong pampatalastas, sa mga akdang may guhit-larawan at mga magasin sa Pilipinas katulad ng The Independent, Philippine Magazine, Telembang, Renacimiento Filipino, at Excelsior.[8] Siya ang tagapangasiwa sa Kolehiyo ng mga Pinong Sining sa Pamantasan ng Pilipinas mula 1938 hanggang 1952.
Ang libingan ni Fernando Amorsolo sa Lungsod ng Marikina.
Noong mga dekada ng 1950 hanggang sa kaniyang pagyao noong 1972, karaniwang nakatatapos ng sampung larawang ipininta si Amorsolo bawat buwan..[13] Subalit, noong mga huling taon niya, naapektuhan ng diabetes, katarata, rayuma, pananakit ng ulo, pagkahilo at ng kamatayan ng dalawang anak ang pagsasagawa ng kaniyang mga gawa.[13] Napasailalim siya sa pagtatanggal ng katarata noong nasa gulang na 70, isang operasyon na hindi naging balakid sa kaniyang pagguhit at pagpinta.[6] Dalawang buwan matapos na maospital sa Pagamutan ni San Lukas sa Maynila, [12] namatay si Amorsolo dahil sa sakit sa puso noong ika-24 ng Abril, 1972 sa gulang na 79.[4]
Apat na araw makaraan ang kaniyang kamatayan, pinarangalan si Amorsolo bilang Pinakaunang Pambansang Artista para sa Pagpipinta ng Pilipinas sa Sentrong Pangkalinangan ng Pilipinas ni Ferdinand E. Marcos.[6]
Manage Your Items
- Avatardress up & check your inventory
- Avatar Builderbuild your dream avatar
- Aquariumcreate the perfect fish tank
- Carcustomize your ride for rally
- Housedecorate your gaia house
- Personas (beta)build your Persona
- Sign Up for Gaia News Weeklyproduced by Gaia art community for all Gaia users
Other Stuff
- Mailcheck your private messages
- Friendsconnect with your friends
- Profileedit your profile page
- Journalsyour personal journal/blog
- Achievementssee what you've accomplished
- Account Settingsadjust your preferences
- Gaia Labssee what we're cookin'
- Favoritessee your collections
- Marriageget Married!
- Vlogsee our vlog and Gaians latest creations!